Bitter ako. Bitter ako dahil hindi ko maipakita ang mga nararamdaman ko. Na nasasaktan ako sa mga simpleng bagay na nangyayari sa akin sa araw araw. Na nasasaktan ako sa mga nalalaman ko at naiisip, naalala at inaalala. Sana madaling makalimot. Sana ganun lang ‘yun kasi kung ganun nga, sana matagal ko nang nagawa at hindi na ako nasasaktan at nahihirapan sa mga panahon ngayon. Madaling umiwas, tumakas at takbuhan ang mga problema. Dun ako magaling eh, hindi ko kayang harapin ang mga bagay na dapat hinaharap ko. Kaya wala akong nagagawang maayos sa buhay ko. Mahal ko pa siya pero ayoko na siyang mahalin. Masyadong masakit. Sana tuloy tuloy na ‘tong paglimot ko sakanya. Wala nang balikan to.